Header Ads

WATCH: P32M at P64M halaga ng shabu, nasabat sa magkasunod na operasyon sa Ozamiz

Nasabat ng pulisya ang tinatayang aabot sa P64 milyon at P32 milyong halaga ng shabu sa isinigawang magkasunod na operasyon sa siyudad ng Ozamiz nitong Miyerkules ng gabi, sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jovie Espenido.


Ang P64 milyong halaga ng hinihinalang shabu ay nasamsam sa isinagawang drug raid sa San Roque at Santa Cruz Ozamiz City.


Samantalang ang tinatayang P32 milyong halaga ng shabu naman ay nakuha sa magkahiwalay na operasyon sa isang checkpoint sa Brgy. Bacolod.

Nakumpiska ng pulisya kay Butch Merino ang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga sa P8 milyon at ang ang matataas na kalibre ng armas. Sa ginawang entrapment operation, nakuha rin kay Melden Rabarez na siyang pinangalanan ni Merino na supplier nito, ang 1 kilo ng shabu at pera na aabot sa mahigit P27 milyong halaga.





Sa kakapasok lang na balita, narekover din ang 2 kilo ng shabu sa bahay ng anak ng yumaong si BM Parojinog.

Source: One Mindanao, Pagadian News

No comments

Powered by Blogger.